Magandang Araw, ka-Geo!! Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at sa bawat araw na ikaw ay bumabangon, mayroong magandang hatid sa likod ng kinakaharap sa suliranin. At nawa na ang blog na ito ay maghahatid sa iyo ng impormasyon, kiliti, ngiti, at kaalaman.

                Sa blog ko ngayon, gusto kong dalhin kayo sa isang panibagong panulat na tiyak na iyong kagigiliwan…

                Kung sa tubig makikita ang mga magagandang isda, saan naman kaya makikita ang isang magandang katulad ko? Diba sa balat ng lupa? 'Di, biro lang. Saan nga ba matatagpuan ang mga sangkatutak sa bunga na mga prutas galing sa punongkahoy? Di ba, sa lupa na kung saan hitik sa marilag na mga tanawin at magagandang habilin? Sige nga, mag-isip ka ng isang napakagandang tanawin sa kalupaan at subok na nga na marami kang mababanggit.

                Ngunit, ano nga ba ang lupa? Hmmm… hindi lang pala lupa, ngunit anyong lupa. Ano nga ba ito?

                Ang anyong lupa ay isang lupa na kung saan ito ay binubuo ng mga iba’t ibang anyo na mayroong pagbaba at pagtaas ng lupa. Mas maliit man ang porsyento nito sa kabuuang laki kaysa sa tubig, ngunit ito ay mayroong napakalaking tulong din sa ating buhay, gaya ng ating pagtamnan, tinatapakan, tinitirhan, at lalung-lalo na ang mga nakausling na magagandang tanawin sa buong mundo o tinatawag sa Ingles na “tourist spots”! Kaya, ito ay hindi dapat minamaliit.

                Isa sa mga halimbawa ng anyong lupa ay ang bulkan. Ang bulkan ay isang uri ng bundok, ngunit ito ay matarik at nagdadala ng usok. Mayroong dalawang uri ng bulkan. Ito ay ang tahimik at ang aktibo. Ang tahimik ay ang bulkan na hindi na nag-aalburuto o pumuputok, habang ang aktibo naman ay isang delikado na bulkan sa panahon na pumuputok sapagkat may dala itong usok na nakamamatay, dahil nakakasira ito ng kalusugan. Samakatuwid, nakakasira rin ito ng mga pananim.

                Isa sa mga halimbawa ng bulkan ay ang Bulkang Mayon sa Albay, Bikol. Ito ay isang aktibong bulkan. Hindi lihim sa atin ang angkin nitong ganda sapagkat ito ay tinaguriang “perfectly coned volcano” o perpektong hugis-apa sa Pilipinas. Ito ay hindi na masyadong umaalburuto sa kapanahunan ngayon, ngunit mayroon pang pagkakataon na magbubuga ng usok, kaya, kung matatapos ang CoViD at gusto mong pumunta doon, please. ingat ka ha? Ngunit, sinisigurado ko na hindi ka magsisisi kung ikaw man ay makakapunta roon!

Kasabay ng iyong pagpunta ay makikita mo rin ang Simbahang Cagsawa na isa sa mga pinakamatandang simbahan sa Pilipinas, ngunit sa kasamaang palad, ito ay gumuho dahil sa pagputok ng bulkan, ilang taon na ang nakalilipas. Sa likod ng pagguho nito ay ang iniwanang mga alaala at mga kahapon ng mga magkaibigan, magka-ibigan, at nagka-ibigan. Ang natirang gusali ng simbahan ay naroon pa rin hanggang ngayon. Kaya, isali mo na ito sa iyong bucket list!

                Sa likod ng mga magandang tanawing Bulkang Mayon, ay ang haplos ng isang mabuting mamamayan na siya’ng nagpapanatili sa kagandahan nito. Hindi lamang sa lahat ng panahon na ito ang nagtataguyod sa pangangailangan nating mga tao, sila ay nangangailangan din sa atin, gaya ng isang munting supling na nangangailangan ng kanlong ng kaniyang mapagmahal na nanay. Sana ay hindi natin makakalimutan na tayo ay mayroong pananagutan sa ating mga likas na yaman.

                Hanggang dito na lamang mga ka-Geo, hanggang sa susunod na panulat!



 Panulat ni:

Rezen Caroline Farol

 

 


Comments